Kung naghahanap ka ng oportunidad sa negosyo na hindi nangangailangan ng malaking puhunan, ipakilala ko sa iyo ang SariSuki. Ito ay isang umuunlad na komunidad na batay sa pamilihan na nagpapamalas ng pagbili at pagbebenta ng iba’t- ibang grocery products. Pinapayagan ng SariSuki ang mga indibidwal na magkaroon ng sariling online grocery store para makapag simula ng isang negosyo.

Tinitiyak ng SariSuki na parehong ang mga nagtitinda o tinatawag na Ka-Sari Community Leaders (CLs) at mga mamimili o Ka-Suki ay may access sa sariwa, high quality products sa mababang presyo. Bukod dito, nakatuon ang SariSuki hindi lamang sa pagbibigay ng halaga sa kanilang mga customers kundi pati na rin sa pagsuporta sa kabuhayan ng kanilang mga nagtitindang Ka-Sari CLs.

Isa sa nagustuhan ko sa Sarisuki ay ang kanilang diretsong pagkuha ng mga gulay at prutas mula sa mga Ka-Sangga farmers o magsasaka sa iba’t ibang rehiyon gaya ng Quezon, Baguio, at Nueva Ecija. Ibig sabihin nito, walang third party ang kumukuha ng mga gulay at prutas, diretso agad ito sa SariSuki kaya naibebenta ito sa mas murang halaga. Tinitiyak na ang mga produkto ay palaging sariwa at mataas ang kalidad.

Ang gusto ko rin sa SariSuki, no registration fee, no quota at walang minimum order. Oo, tama ang nabasa mo. Walang malaking gastos para pag mag join ka bilang Ka-Sari Community Leader sa SariSuki. Sa halagang P1000 lamang o mas mababa pa, maaari mong simulan ang iyong sariling online grocery store. May business orientation sila every Monday, Wednesday at Friday at 3PM via zoom para mas lalo mong maintidihan ang pagkakaraon ng isang online grocery store sa SariSuki. Pwede kang magjoin HERE.

Paano ba sumali sa SariSuki? Simple lang. Maaari kang maging isang Ka-Sari Community Leader sa pamamagitan lamang ng pag-download ng SariSuki app mula sa Google Play o sa Apple App Store. Mag register at gumawa ng sariling account. Pag successfully registered ka na, magkakaraon ka ng sariling website kung saan pwede itong ibigay sa mga suki mo, kaibigan at pamilya. Dito sila mag oorder ng mga bagay na gusto nilang bilhin.

Paano maglagay ng order bilang isang Ka-Suki Customer sa SariSuki? Madali lang. Bisitahin lamang ang SariSuki webstore at gamitin ang store finder upang hanapin ang pinakamalapit na community leader o nagtitinda sa iyong lugar. Pagkatapos pumili ng iyong nais na mga items, idagdag ang mga ito sa iyong cart at magpatuloy sa proseso ng online checkout.

Anong mga lugar ang sinasakop ng Sarisuki? Maaari kang magbenta at bumili ng sariwang produkto or groceries sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal. Patuloy na lumalawak ang saklaw ng Sarisuki, kaya manatiling na naka follow sa kanilang Facebook Page, Titkok at Instagram account.

May Anniversary Promos pala ang SariSuki. Iachieve lang ang isang net sales na P20,000 mula sa May 1 hanggang June 29, o hanggang sa maubos ang supply (kung ano man ang mauuna), at makakatanggap ka ng isang libreng jacket ng Sarisuki. Limitado lamang ito sa isang jacket bawat Ka-Sari. Tingnan ang poster sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.

Bukod pa, huwag palampasin ang Pangkabuhayan Showcase Raffle. Ibinibigay ng SariSuki ang tatlong Pangkabuhayan showcases sa pamamagitan ng isang raffle draw, at may tig-tatalong mananalo ng Bigasan Showcase, Frozen Meat Showcase, at Gulayan at Itulugan Showcase. Magkakaroon ng siyam (9) na swerteng mananalo. Tignan ang poster for more details.

Handa ka na bang magkaroon ng sariling negosyo at kumita up to P50,000? Kung oo, mag register na SariSuki ngayon at magsimula ng abutin ang mga pangarap mo. Dumiskarte at kumita kasama ang SariSuki!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share Article: